POEM

 

The work of a poet

is to look up in the sky

in its unchanging morning azure

and ask why its color

never languished, never turned

into crimson. Or into verdant maybe,

because it gave all those to leaves.

 

There are times like this I wake up

and rise early, to greet the wind

as she smiles back at me, as if this is the only time

somebody recognizes her, because she is so used

to having no appearance, nor face, nor feet.

 

While the noise intensifies this moment

of peace, roosters are crowing

louder and louder, worshipping

the rising sun in zest, even though

the clock has turned ten already. They are oblivious

in disturbing the night owls,

the roused, or those who resist to wake up

 

like my three cats in deep sleep,

curled up into each other, on top

of shoes and sandals,

hiding their tails, their closed snouts

glistening, their furry chests

breathing, deep, deep

wisdom of rest.

——————————————————————————————–

The Original in Pilipino:

ANG TRABAHO NG MAKATA

ay tumingala sa langit

sa hindi nagbabagong bughaw ng umaga

at tanungin kung bakit hindi nagmamaliw

ang kanyang kulay, hindi kailanman naging

pulang-pula. O berde man lang siguro, baka

dahil ibinigay na niyang lahat ito sa mga dahon.

 

May panahong gaya nito na maaga akong

nagigising, at babatiin ko at ngingiti sa akin

ang hangin, na para bang ngayong lang talaga

may nakakakita sa kanya, dahil sanay siyang

walang hitsura, o mukha, o paa.

 

Habang umiingay ang sandaling ito

ng kapayapaan, palakas nang palakas

ang nagtitilaukang tandang, nagpupuring

masigla sa umaahong araw, kahit pa

mag-aalas-diyes na. Wala silang pakialam

sa mabubulabog nilang mga puyat,

o alimpungat, o sa mga ayaw pang bumangon

 

gaya ng tatlong pusa kong tulóg na tulóg,

nakayupyop sa isa’t isa, sa ibabaw

ng mga sapatos at tsinelas,

nakatago ang mga buntot, makintab

ang mga ngusong tikom, humihinga

ang mabalahibong dibdib,

ang lalim-lalim ng dunong

sa pagpapahinga.